Higit 200-K pasaherong apektado ng Bagyong Uwan, naserbisyuhan ng libreng sakay ni PBBM sa DOTr MRT-3

Umabot sa 222,007 ang kabuuang bilang ng mga komyuter na naserbisyuhan ng libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Lunes, Nobyembre 10.

Ang libreng sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng maayos at ligtas na transportasyon para sa mga komyuter sa gitna ng epekto ng Bagyong Uwan sa Metro Manila.

Patuloy namang ipinatutupad ng DOTr MRT-3 ang libreng sakay ngayong Martes, Nobyembre 11, hanggang sa pagsasara ng entrance sa North Avenue Station mamayang 10:25 p.m., at sa Taft Avenue Station bandang 11:04 p.m.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3