Cashless payments, ni-roll out sa MRT-3

Maaari nang magbayad ng pamasahe gamit ang GCash QR Code, NFC-enabled na Android phone, debit, o credit card sa MRT-3 simula Hulyo 25.

Ito ay matapos ilunsad ng Department of Transportation, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno at mga partner mula sa pribadong sektor, ang nasabing bagong sistema ng cashless payments. Ang proyekto ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas moderno at kombinyente ang pagbabayad ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Para gamitin, kailangan lamang buksan ng mga pasahero ang GCash app at i-tap ang Commute icon upang mag-generate ng QR code. I-scan lamang ang QR code sa QR scanner sa turnstile upang makapasok ng platform, at i-scan muli ito upang makalabas ng istasyon.

Maaari ding gamitin ang Tap-to-Pay feature ng GCash ng mga pasaherong may NFC-enabled Android phones, kung saan ang kanilang Android phone mismo ang ita-tap sa card reader sa turnstiles.

Samantala, maaaring gamitin ang GCash card, pati na rin ang iba pang Visa o Mastercard ng iba't ibang bangko, bilang ticket sa piling turnstiles sa pamamagitan din ng direktang pag-tap sa mga ito sa card reader. Walang karagdagang bayad sa pamasahe gamit ang anuman sa cashless payments, at parang bumibili lang ng regular na Single Journey Ticket ang pasahero.

Dahil sa proyektong ito, MRT-3 ang naging kauna-unahang rail line sa buong mundo na may all-in-one payment terminal na tumatanggap ng EMV cards, NFC, at QR codes. Layon ng DOTr na ilunsad ito sa iba pang mga linya ng tren sa susunod na mga buwan.

522721612_1048583684114498_1616125039622316982_n.jpg 523833078_1048583680781165_3231463743401157903_n.jpg 522925928_1048583634114503_5053362472217513390_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3