Ibinahagi ng mga opisyal ng MRT-3 ang naging mga karanasan ng linya sa pagtugon sa malalaking aktibidad at mga pangangailan ng malalaking bilang ng mga pasahero araw-araw, Abril 24.
Sa webinar ng Philippine Railways Institute (PRI) na pinamagatang "The Role of Railways in Large-Scale Events," inilatag ni Station Division Chief Roda B. Espejo ang naging papel ng MRT-3 sa matagumpay na paglulunsad ng FIBA World Cup sa bansa noong nakaraang taon.
Matatandaang naging host country ang Pilipinas ng international sporting event.
"A total of 3,342 athletes, delegates, and volunteers availed of the free ride offered by MRT-3 from August 23 to September 10," saad niya.
Sa isa pang talakayan, sinabi ni Supervising Transportation Development Officer Jane A. Abiera na malaki ang papel ng mga kawani sa pagtugon sa pangangailangan ng malaking bilang ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 araw-araw.
"All operating personnel from the higher-ups down to the janitors know their roles as we continuously provide them with theoretical and practical knowledge through training," sabi niya.
Nagbanggit din siya ng iba pang mga estratehiya upang matugunan ang pagkakaroon ng passenger build-up kagaya ng pagdaragdag ng mga personnel, pagdedeploy ng skipping trains, at pagbibigay ng regular public announcements.
"Likewise, the proper maintenance of the MRT-3 and system improvement contributed to what the MRT-3 is now, where passengers are reassured of comfortable ride and fastet travel time," dagdag pa niya.