
Bilang pagdiriwang ng Solo Parents' Week, naghandog ng LIBRENG SAKAY ang MRT-3 para sa mga solo parents, Abril 26.
Ipinatupad ang LIBRENG SAKAY sa peak hours ng operasyon ng linya, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at 5:00 pm hanggang 7:00 pm sa nasabing araw.
Nagpakita lamang ng valid solo parent's ID sa station personnel upang makakuha ng LIBRENG SAKAY.
Saludo ang MRT-3 sa bawat solo parent na walang katumbas ang sakripisyo para sa kanilang anak.