
Naka-heightened alert ang buong linya upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero lalo na iyong mga babiyahe upang makaboto.
May mga nakadeploy na security personnel gayundin na mga pulis sa police helpdesks para tiyakin ang kaayusan sa mga istasyon.
Mayroon ding mga K-9 units na mula sa MRT-3 at Philippine Coast Guard para naman matiyak ang seguridad laban sa bomb-related security threats.